I listened to Alis Bayan Box again after so long. I think it was my first time to bawl like a baby here in Hong Kong it’s so embarrassing. Whenever I get sick or exhausted or lonely especially during holidays, that’s when I really feel like an OFW.
Alis Bayan Box written and composed by William Elvin Manzano (demo copy for Rizal X)
Isisilid ko sa kahon
Ang lahat ng alaala
Isisilid ko ang ngayon
Para sa bukas
Kung mayroon man ito
Maghihigpit ng sinturon
Magigipit din ng pag-ibig
Mga retaso’y gugupit-gupitin
At babaunin, sisikaping
Pagtagpi-tagpiin sa pagbalik
Walang katiyakan sa aking paglisan
Bibitbitin ang lahat
Kahon at maleta
Tadhanang roleta
Ano ba ilalahad?
Papalayong ililipad
Saan mang bayang mapadpad
Mailap ang kalarang hinahangad
Itataya ko na sa hangin
Ang bawat pangarap ko’t hiling
Lahat ng dagat na kailangan kong tawirin
Ay maaring higupin
Tuluyang lunurin
Kahon ng kinabukasan kong nakasilid
Sa paglisan kong ito,
Ang puso ko’y iiwan ko sa yo.